Gordon: Maayos na mga pasilidad ang makatutulong para makahatak ng turista ang bansa

Binigyang-diin ni Former Tourism Secretary Richard Gordon na ang pagkakaroon ng maayos na mga imprastraktura ay makatutulong para makahikayat ng mas maraming mga turista.

Read More:  DSWD Sec. Gatchalian denies wasted AICS funds despite COA findings

Ito ang naging pahayag ni Gordon hinggil sa bagong tourism slogan ng bansa na “Love the Philippines.”

Paliwanag nito, walang silbi ang slogan, dahil ang mahalaga ay ang mga imprastraktura.

Read More:  Lacson rejects alleged ₱5 million TESDA fund offer from Secretary Benitez

Sa huli, sinabi ng dating kalihim na ang pagkakaroon ng mabuti at epektibong pasilidad gaya ng mga seats at palikuran sa mga paliparan ang siyang babalik-balikan ng mga turista.