Gordon, dumipensa sa detention ng Pharmally execs

Dinepensahan ni Senador Dick Gordon ang ginawang pag-detain sa mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Mababatid na sumulat sa Commision on Human Rights ang pamiyla ng tatlong opisyal ng Pharmally para maimbestigahan ang ‘di umano’y human rights violations kayla Mohit at Twinke Dargani, at Linconn Ong.

Umapela rin sina Ong at Dargani kay Senate President Tito Sotto na palayain na sila, halos isang taon matapos silang ipa-detain at nailiat sa Pasay City Jail.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Ayon sa mambabatas, walang ibang dapat sisihin sa pagkakakulong ng mga ito kundi sila.

Paliwanag ni Gordon, ang tanging lang naman daw na dahilan kung bakit hindi pa rin sila mapala-palaya ay dahil nagsinungaling ang mga ito hinggil sa pagdadala ng mga kinakailangang dokumento sa kanyang kumite, ang Senate Blue Ribbon Committee.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Maliban pa rito, pinalagan din ni Gordon ang mga akusasyon nina Dargani at Ong na ‘di umano’y kaya lamang sila nananatiling na-detain ay dahil para mapabango ang pangalan ng Senador sa pag-takbo nito ngayong halalan.

Idinetain noon sina Ong at Dargani matapos itong ma-cite in contempt sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee par sa ma-anomalyang procurement ng medical supplies.
#