Mga opisyal ng Kongreso, umaasa sa mas mabilis na bilangan ng mga boto

Naniniwala si House Secretary General Dong Mendoza na mas magiging mabilis ngayong halalan ang isasagawang canvassing o ang pagbibilang ng mga boto ng National Board of Canvassers.

Ayon kay Mendoza, umaasa sila na walang magiging aberya ang mga hakbang ng NBoC mula sa pagtanggap ng mga boto, bilangan, at hanggang sa proklamasyon ng mananalo sa pagka-pangulo at bise presidente.

Aniya, noong nakaraang presidential elections ay inabot ng lima hanggang pitong araw ang canvassing.

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Umaasa ito na ngayong taon, kasing bilis, o ‘di kaya’y mahihigitan pa nila ang period ng proseso ng bilangan.

Samantala, sa Senado naman, inilatag na ang mga guidelines para sa tamang pag-iimbak at pag-iingat ng mga election documents.

Kabilang dito ang mga panuntunan na susundin ng reception team na tatanggap ng mga election returns at certificates of canvass.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Iipunin ang mga ito sa mga naka-kandadong pasilidad sa Senado, bago i-transfer sa Batasang Complex kung saan idaraos ang joint session para sa canvassing.

Sa Lunes, araw ng halalan, nakatakdang idaos ang initialization ng Consolidation and Canvassing System o ang CCS na gagamitin ng NBoC sa pagbibilang ng mga boto.

Matatandaang nakatakdang mag-convene ang Senado at Kamara bilang National Board of Canvassers na siyang mag-iingat ng mga election returns, magsasagawa ng national canvassing, at magpoproklama ng mga mananalo sa pagka-presidente at bise presidente.
#