CAMARINES NORTE – Ikinatuwa ng Lokal na Pamahalaang bayan ng Basud, Camarines Norte ang pagkakasungkit sa 2023 Seal of Good Local Governance (SGLG) award.
Ang SGLG ay ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng DILG sa isang pamahalaan bilang pagkilala sa Katapatan at Kahusayan sa pagseserbisyo.
Ayon kay Mayor Adrian Davoco sa dami ng mga parameters at tila “butas ng karayom” na proseso masungkit lang ang award, ang maayos na pamamahala sa pananalapi ng Lokal na Pamahalaan ang naging pinakasusi para makamtan ito.
Kabilang sa mga tinitingnan sa assessment ay ang Financial Administration and Sustainability na kinapapalooban ng Audit Report, COA findings, gayundin ang Sustainable Education, Accessibility law at iba pa.
Isa ang Basud sa 493 LGU sa buong bansa ang gagawaran ng parangal sa Manila Hotel ngayong darating na December 13.
Sa Camarines Norte, dalawang munisipyo lang ang SGLG awardee, maliban sa Basud ay awardee rin ang Paracale.
Kumpiyansa si Davoco na magtutuloy- tuloy na ito at hindi lang ngayong taon magiging SGLG awardee ang Basud sa kabila ng mga hamong kalakip nito.
Paliwanag ng Alkalde na ang pagiging SGLG awardee ay may hatid na benepisyo sa mga constituent at sa mga empleado ng LGU.
