CAMARINES NORTE – Pinagkalooban ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dalawang organisasyon sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.
Ayon sa Municipal Information Office, tinanggap ng Mabuhay Association at Kabuhayan Angat Pag- asa association ang tseke na tig- P300k na tulong ng gobyerno sa pagpapalago ng kanilang maliit na kabuhayan.
Ang Mabuhay Association ay mula sa Barangay Pambuhan na may 26 na miyembro.
Pagtitinda ng mga Agrivit Supply ang negosyong nais nilang palaguin sa pamamagitan ng tulong pinansyal na ayuda ng gobyerno.
Ang Kabuhayan Angat Pag- asa Association naman mula sa Barangay Colasi ay mayroong 25 miyembro na ang kabuhayan ay paggawa ng “taytayan” o lagayan ng tapa, Ka-ing o lagayan ng isda, Kaping o biladan
Nagpaalala naman si Mayor Alexander Pajarillo sa mga miyembro ng samahan na palaguin at gamitin ng wasto ang ipinagkaloob na tulong upang lumago ito.
