Comelec, mahigpit na nakikipagtulungan sa PNP at AFP dahil sa inaasahang mas mainit n BSKE elections

Mahigpit ngayong nakikipagtulungan ang Commission on Elections sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines dahil inaasahang mas mainit na barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong Oktubre kumpara sa national elections noong May 9 noong nakaraang taon.

Sa panayam , ipinaliwanag ni Comelec spokesman Rex Laudiangco na mas mainit ang barangay at SK elections kaysa national elections dahil ang mga taong sangkot ay mula sa iisang pamilya o ng parehong lokalidad.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Samantala, nang tanungin kung handa ang Comelec kung i-utos ng Supreme Court sa poll body na idaos ang halalan bago ang schedule nito sa Oktubre, sinabi ni Laudiangco na handa silang idaos ang barangay at SK polls nang hindi lalampas sa buwan Mayo dahil binigyang-diin niya na mayroon na silang naisimulang paghahanda mula pa noong nakaraang taon.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Aniya, naimprenta na nila ang lahat ng balota at iba pang election paraphernalia sa limang rehiyon at ilang probinsya na susundan ng paghahatid ng iba pang mga supplies at equipment matapos isagawa ang voter registration noong nakaraang buwan.//CA