Gobyerno ng Pilipinas, tiniyak ang Contingency plans sa Israel conflict

Umapela ang Department of Foreign Affairs (DFA) na huwag basta-basta magpapakalat ng mga unverified information hinggil sa nagpapatuloy na gulo sa Israel.

Ito ay makaraang may kumalat na mga bali-balitang mayroon na raw casualties na mga Filipinos doon.

Ayon kay DFA Usec. Eduardo de Vega, maliban sa mga unang napaulat na halos sampung unaccounted Filipinos, wala pang kumpirmadong nasawi, ‘o ‘di kaya’y mga nadakip na mga Pilipino.

Muli namang hinikayat ng mga otoridad na makipag-ugnayan ang mga apektadong Pilipino’t mga kaanak nila sa embahada ng Pilipinas sa Israel.

Sinabi naman ni Philippine Ambassador to Israel Pedro Lalyo na humipa na nang kaunti ang mga pagsabog.

Sa ngayon, wala pa umanong mga Pilipinong nagre-request na mapauwi sa Pilipinas.

Samantala, tiniyak naman ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) adminstrator Arnell Ignacio na mahigpit na mino-monitor ng Gobyerno ang sitwasyon ng ating mga kababayan doon.

Siniguro rin ni Ignacio na mayroong mga nakalatag na contingency plans sakali mang lumala pa ang sitwasyon.

Sa kabuoan – mayroong tinatayang nasa 30,000 na mga Pilipino ang nasa Israel, kung saan, 300 rito ay malapit sa Gaza.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *