Gobyerno naglaan ng P550M para sa RoRo terminal project sa Sorsogon port

Matapos ang tagumpay ng Blue Lane program ng Pamahalaan Panlalawigan ng Sorsogon sa pagtugon sa kasikipan sa Port of Matnog, ang gobyerno ay naglaan ng paunang pondo na P550M para sa pagtatayo ng roll-in, roll-out (RoRo) terminal ng expansion project bilang isang pangmatagalang solusyon.

Sa isang forum na ginanap sa Sorsogon Provl Gymnasium bilang bahagi ng ‘’Nagkakaisang Bumabangon: 2023 Pre-State of the Nation Address noong Lunes, sinabi ni NEDA Undersecretary Joseph Capuno, ang proyekto ay kinabibilangan ng pagtatayo ng karagdagang 14,979.28 square meters ng operational area sa Matnog Port.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Binanggit pa ni Capuno na ang mga daungan ay isang kritikal na bahagi ng supply chain, na lumilikha ng mga oportunidad sa trabaho at makabuluhang nag-aambag sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.

Ang Blue lane Program sa ilalim ng Katrangkiluhan Program ay nagbigay-daan sa mas maginhawang paglalakbay para sa mga manlalakbay dahil hindi na ito nangangailangan ng mahabang paghihintay kahit na sa peak season.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Para maibsan ang problema sa trapiko sa Matnog, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon ay gumawa ng mga ordinansa na akmang-akma sa pangangailangan ng mga taga-Visayas at Mindanao.

Gumastos din ang provincial govt. ng pondo na nagkakahalaga ng P17M upang matugunan ang problema.

Dati ay aabutin ng tatlong araw para sa mga trak mula Visayas at Mindanao bago sila makasakay ng lantsa ngunit ibinaba ng Blue Lane Program ang oras ng paghihintay sa tatlong oras lamang.