Nagbigay ang ride-hailing service na Grab ng investment pledge kay Pangulong Bongbong, na magreresulta ng kalahating milyong trababo, sakaling maipasa ang motorcycle taxis.
Kaugnay nito, nakipagpulong ang Grab Holdings Inc. at ang kanilang Chief Executive Officer na si Anthony Tan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para iremokomenda ang mga hakbang upang ma-modernize ang transportasyon.
Ayon sa naturang kompaniya, target nilang makapagbigay ng trabaho sa Davao, Cebu, at Iloilo.
Mababatid na ang operasyon ng motorcycle taxis ay limitado lang sa mga pilot testing phase simula noong 2019, para pag-aralan ang kaligtasan ng naturang serbisyo.
Ang Move It, na motorcycle taxi service na suportado ng Grab, kasama ang Angkas, at Joyride ay tanging mga participants na pinapayagang mag-operate sa ilalim ng pilot phase.
