Gobyerno, maglalagay ng mga SIM registration facilities sa mga malalayong lugar

Maglalagay ng mga SIM registration facilities sa mga malalayong lugar ang gobyerno lalo na sa mga walang access sa internet.

Sa televised briefing , sinabi ni NTC consultant , Engr. Edgardo Cabarios,  na batay sa implementing rules and regulations (IRR) ng SIM Registration Law, ang NTC at ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ay kailangang makipag-ugnayan sa mga lokalidad upang tumulong sa paglikha ng mga registration centers sa malalayong lugar.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Sa IRR ng batas,  ang pagpaparehistro ng SIM ay gagawin electronically  sa pamamagitan ng isang secure platform o website na ibinigay ng mga telcos.

Ang mga telco firms ay maaaring mag-setup ng registration facilities sa tulong ng Department of the Interior and Local Government at Department of Education.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Ang registration areas para sa remote communities ay dapat gawin sa loob ng animnapung araw mula nang magkabisa ang batas.

Ang mga lugar ng pagpaparehistro para sa malalayong komunidad ay dapat gawin sa loob ng 60 araw mula sa effectivity ng SIM Registration Law.//CA