Labis na nababahala ang Department of National Defense sa presensiya ng mga Chinese maritime militia vessels sa West Philippine Sea.
Sa isang pahayag, sinabi ng DND na ang mga sasakyang pandagat ng China ay nakita sa Iroquois Reef at Sabina Shoal.

Sa kabila ng mga naiulat na malaking bilang ng mga Chinese vessels, nanindigan si DND officer-in-charge Jose Faustino Jr. na ang pwersang militar ng Pilipinas ay patuloy na magsasagawa ng regular maritime at aerial patrol sa WPS.
Aniya, ang mga aktibidad na lumalabag sa soberenya ng bansa at sumisira sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon ay hindi katanggap-tanggap.
Idinagdag ni Faustino na habang nananatiling bukas sila sa diyalogo, ang impormasyong nakalap sa kanilang mga pagpapatrol ay isinusumite sa mga awtoridad para sa naaangkop na aksyon.//CA