Chinese envoy, umaasang magkakaroon ng tiwala at pagkakaunawaan ang PH at China sa inaasahang pagpupulong ni Marcos at Xi

Umaasa si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na magkakaroon ng tiwala at pagkakaunawaan ang Pilipinas at China sa lalong madaling panahon sa inaasahang pagpupulong  ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang Chinese counterpart na President Xi Jinping sa susunod na taon.

Sinabi ni Huang na patuloy nilang pinaghahandaan ang pagbisita ni Marcos sa China sa January 3, 2023.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Aniya, umaasa siya na ang dalawang leader ay bubuo ng four areas of cooperation na sinimulan na ng dalawang pamahalaan sa sektor ng agrikultura, imprastraktura, enerhiya at people-to-people exchanges.

Bukod sa pagbuo ng mas malapit na relasyon, sinabi ni Huang na umaasa siyang matututo ang dalawang bansa sa pagkakaiba ng mga ito dahil ang dalawang bansa ay mayroon pa ring mga pag-aangkin sa teritoryo sa South China Sea.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Sinabi pa ng Chinese ambassador na kinakailangang bumuo ng maritime cooperation sa hinaharap upang maisulong ang higit na pagtitiwala at pagkakaunawaan sa pagitan ng China at Pilipinas.