Gobernador ng Sorsogon, inindorso ni VP Robredo

SORSOGON CITY – ‘’Nakakataba ng puso.’’

Ito ang naging masayang pahayag  ni Sorsogon Governor Francis ‘Chiz’ Escudero; kandidato bilang senador sa darating na halalan, sa pagkakasama ng kanyang pangalan sa senatorial slate ni Vice President Leni Robredo na kandidato sa pagka-presidente ng bansa para sa May 2022 national elections.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Agad namang nagpasalamat ang gobernador kay VP Robredo at sa tandem nito na si Sen Francis Kiko Pangilinan.

Maliban sa tandem nina VP Robredo, si Escudero ay kasama rin sa senatorial slate nina Sen Ping Lacson at Senate President Tito Sotto sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC) gayundin ang tambalang Manny Pacquiao at BUHAY Party list Representative Lito Atienza.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Si Escudero ay muling babalik sa senado na kanyang dating pinaglingkuran nang dalawang buong termino.