Inilunsad na ng Department of Tourism ang bagong campaign slogan ng bansa na “Love the Philippines” kasabay ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Philippine Tourism.
Ang enhanced tourism campaign ay pinalitan ang dating ‘It’s More Fun in the Philippines’ tourism slogan na ginamit ng bansa mula pa noong 2012.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco, ang campaign o slogan ay pagsusulong ng iba’t-ibang katangian ng Pilipinas at mga Pilipinong maipagmamalaki at maaaring mahalin.

Ipinagmalaki rin ni Frasco na kahit nangangalahati pa lang ang taong 2023 ay umabot na sa 2.62 million international visitors ang dumating sa bansa na malapit na sa 2.65 million record ng bansa noong 2022.
Dahil din sa pagsigla ng turismo, pumalo sa 1.5 trillion pesos ang kinita ng domestic tourism ng bansa noong nakaraang taon at nasa 5.35 million mga Pilipino ang nabigyan ng trabaho sa sektor na ito.//MKCJ