Go, umaasang magiging patas at uncompromising ang binuong 5-man advisory group na susuri sa courtesy resignation ng mga top-level police officers

Umaasa si Senator Christopher Bong Go na magiging patas at uncompromising ang binuong 5-man advisory group na susuri sa courtesy resignation ng mga top-level police officers.

Sa panayam kay Go sa Orion, Bataan, kung wala umanong kasalanan ang isang pulis at nagtatrabaho naman ay ihiwalay ang mga ito sa mga may kasalanan at involve sa katiwalian.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Sinabi ni Go , buo ang tiwala niya sa puwersa ng pulisya at sa kanilang kakayahan na linisin ang kanilang hanay.

Matatandaang ang pagbuo ng five-person committee na magkokonsidera sa pagbibitiw ng matataas na opisyal ng PNP ay nag-ugat sa apela ni Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa PNP na magsumite ng kanilang courtesy resignation sa layuning linisin ang kanilang hanay mula sa mga sangkot sa illegal drug trade.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Kasama sa 5-man panel sina Office of the Presidential Adviser on Military Affairs Undersecretary for Police Affairs Isagani Nerez, dating defense chief Gilbert Teodoro, dating PNP second in command at kasalukuyang Baguio Mayor Benjamin Magalong, at PNP chief General Rodolfo Azurin habang ang isa ay tumangging isapubliko ang kanyang pangalan.//CA