Go suportado ang ‘gimik’ ng mga LGUs para mahikayat na magpabakuna kontra COVID-19

Nagpahayag ng pagsuporta si Senator Christopher Bong Go sa mga inisyatibo ng mga local government units para makaengganyo ng kanilang mga kababayan na magpabakuna.

Ayon kay Go nakarating nalaman niyang kanya-kanya ang paraan ng mga LGU para mahikayat ang mga residente na magpaturok kontra COVID-19.

Pinuri naman ito ng mambabatas ay sinabing maganda ang paghikayat ng ilang LGU katulad ng pa-raffle ng house and lot.

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Inihayag naman ni Go na ganito din ang ginagawa ng ibang bansa at sa katunayan sa America ay isinasama sa lottery at insentives ang mga magbabakuna.

Inihayag ni Go na ang mahalaga ay makuha ang tiwala ng publiko sa bakuna at habang marami ang magpapabakuna ay mas mabilis na makakamit ang target na herd immunity.

Read More:  House prosecution panel names official spokespersons for Duterte impeachment

Giit ni Go, naghihintayan ang mga mamamayan sa resulta ng pagpapabakuna ng kanilang kapwa.

Kaugnay nito ay muling nanawagan si Go sa publiko na magtiwala sa bakuna dahil hanggag hindi nakakamit ang herd immunity ay paikot-ikot at pakalat-kalat lang ang COVID-19 na peligroso para sa lahat.