Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nasa 55 bagong kaso ng COVID-19 Delta variant ang nadetect sa gitna na hirap ang bansa na mapigilan ang local transmission ng naturang mas nakakahawang variant.
Dahil dito, nasa 119 na ang kabuoang infection ng Delta variant, matapos na unang kumpirmahin ng DOH ang local transmission.
Mula sa 55 new Delta variant cases, 37 ang local cases, 17 ang Returning overseas Filipinos (ROF) at ang isa ay beneberipika pa.
Maliban sa Delta variant, naitala rin ng DOH ang 94 Alpha (B.1.1.7) variant cases; 179 Beta (B.1.351) variant cases; at siyam na P.3 variant cases sa latest batch ng whole-genome sequencing na isinasagawa ng Philippine Genome Center. // MHEL PACIA-TRINIDAD
