Go ikinatuwa ang pagkilala ni Pangulong Duterte sa kahalagahan ng pagtatayo ng Philippine Center for Disease Control and Prevention

Pinasalamatan ni Senador Christopher Bong Go si Pangulong Duterte sa pagkilala niya sa kahalagahan ng isang Center for Disease Control and Prevention.

Ayon kay Go malaking bagay na nabanggit ito ng Pangulo sa kanyang huling State of the Nation Adress.

Read More:  Newborn baby found abandoned in Cebu without clothing

Noong Mayo 4 nang inihain ni Go ang Senate Bill No. 2158 na naglalayong magtatag ng Philippine Center for Disease Control and Prevention at kasalukuyan ito pending sa technical working group ng Senado.

Ayon kay Go mahalaga ang pagtatayo ng CDC dahil walang makapagsasabi kung meron pang pandemyang darating at  kailangan umano nating maging proactive.

Read More:  2 Chinese nationals arrested in ₱1.5-M Cebu copper ore seizure

Ang Philippine CDC ang magiging pangunahing ahensya ng gobyerno na magpapatupad ng mga communicable disease control and prevention measures.