Go Negosyo, bumuo ng partnership kasama ang OCTA Research

Bumuo ang Go Negosyo ng partnership kasama ang OCTA Research upang magsilbi bilang advisory team para sa ligtas na reopening ng ekonomiya.

Pumirma ng memorandum of understanding sina presidential adviser for entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion at OCTA Research president Ranjit Rye para sa naturang partnership.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Nakasaad sa memorandum na magbibigay ang OCTA ng abiso sa grupo kaugnay sa data analysis ng COVID-19 cases, hospital utilization, vaccination data, at iba pang mga bagay na may kinalaman sa pandemya.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Magtutulungan rin ang parehong partido sa pagbuo ng mga stratehiya at proposals para sa reopening ng ekonomiya na nakabase sa datos at siyensya.