Go, nanawagan ng public vigilance at pagpapatupad ng COVID-19 response matapos maitala ang local cases ng Delta variant

Nanawagan si  Senator Christopher “Bong” Go sa mga concerned government authorities na ipatupad ang COVID-19 response efforts ng gobyerno laban sa pandemya, matapos kumpirmahin ng Department of Health ang presensya ng local cases ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19.

Babala ni Go, bagama’t wala pang ebidensya na ang Delta variant ay may locally transmission, kailangan umano na manatiling vigilant ang publiko at iwasan na maging kampante, bilang ang mga kumpirmadong local cases ay magbubukas ng posibilidad ng local transmissions.

Kaugnay nito, iminungkahi ni Go na kailangang paigtingin ng Philippine Coast Guard ang kanilang maritime patrols, partikular na sa backdoor entries sa Mindanao, upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant, na nagresulta sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa mga kalapit na Southeast Asian countries.

Read More:  ₱876,800 smuggled cigarettes seized; 3 arrested in Lanao del Norte

“May nagsabi po na four times more contagious o 40% to 60% na nakakahawa itong Delta variant at ‘wag na nating hintayin pang kumalat ito sa ating bansa. Kung maaari po ay paigtingin pa natin ang ating border patrol, lalo na via backdoor sa Mindanao,” saad ni Go.

“Kita niyo ang nangyari sa Indonesia, tumaas ang kaso, magsasara na naman sila. Pag-aaralan din po ng gobyerno ang pagsasara sa mga travel po sa mga bansa na may tumataas na kaso,” dagdag nito.

Read More:  GenSan underpass project criticized anew after repeated flooding due to heavy rain

Samantala, binigyang diin ng senador na hindi na kaya ng gobyerno na bumalik sa mas mahigpit na community quarantine, lalo na umano ngayon na dahan-dahan nang nagrerekober ang ekonomiya ng bansa mula sa adverse impacts ng pandemya.

“Konting tiis na lang po, maganda ang takbo, may tendency kasi na kapag niluwagan, kumpiyansa na naman. Marami pong kababayan natin ang mawawalan ng trabaho kapag nagsara ang ekonomiya,” saad nito.