5,411 new COVID-19 infections; Active cases, nasa 47,190 pa

Naitala ng Pilipinas ang 5,411 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para tumaas ang total tally sa 1,507,755.

Apat lang na laboratoryo ang hindi nakasumite ng kanilang datos on time.

Ayon sa Department of Health, ang mga bagong kaso ang nag-udyok para tumaas ang total active cases sa bansa sa 47,190, kung saan 91.9% ang mild, 1.9% ang asymptomatic, 2.7% ang severe, at 1.6% ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, tumaas naman ang total number ng recoveries sa 1,433,851, matapos na gumaling ang 5,439 pasyente mula sa respiratory illness, habang ang death toll ay umakyat sa 26,714, matapos maitala ang 117 bagong fatalities. // MHEL PACIA-TRINIDAD