Go nagpasalamat kay PRRD sa paglagda sa 13 measures na magpapaganda sa health services sa iba’t-ibang lugar sa bansa

Pinasalamatan ni Senador Christopher Bong Go si Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong lagdaan ang 13 panukalang batas na magpapalakas sa kapasidad ng mga pagamutan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Kasabay nito nangako si Go na bilang chairman ng Senate Committee on Health hindi umano siya titigil na ipaglaban kung ano ang makakabuti sa ating mga kababayan, lalong-lalo na sa mga mahihirap.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Dagdag pa ng mambabatas kahit na mahirapan siya basta para sa kapakanan ng nakakarami, ay hindi siya susuko na ipaglaban ito.

Sa talumpati ng Pangulo sa ginanap na signing ceremony, pinasalamatan nito ang Senado at Kamara  dahil sa pagpasa ng mga measures na magpapalakas sa kapasidad ng  health care system lalo na ngayong nahaharap ang bansa sa COVID-19 pandemic.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Tiniyak din nito sa medical community  na magpapatuloy ang kanyang administrasyon na makikipagtulungan sa mga mambabatas sa pagbalangkas ng mga batas para magampanan nila ng maayos ang kanilang sinumpaang tungkulin.