CAMARINES NORTE- Muling umapela ang Provincial Health Office ng Camarines Norte sa mga hindi pa bakunado kontra COVID- 19 na magpabakuna na upang maabot na ng lalawigan ang herd immunity.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet binigyang diin ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na libre ang bakuna at kailangan ito para proteksyunan kontra Covid- 19 hindi lang ang sarili kundi ang mga vulnerable population lalo na ang mga bata.
Tumutulong rin umano ang iba pang mga ospital sa lalawigan sa pagbabakuna
Sa ngayon ay nasa 67. 6 % pa lang ang vaccination coverage sa lalawigan na malayo pa para maabot na ang herd immunity.
Samantala, inihayag din ni Francisco na mayroong team mula sa Department of Health ang darating sa lalawigan sa mga susunod na araw para tumulong sa pagbabakuna.
Idi- deploy ang naturang team sa mga bayan na mababa pa ang vaccination coverage tulad ng Paracale, San Lorenzo Ruiz at Sta Elena.
Maliban naman sa Covid- 19 vaccination ay nag umpisa na rin ang Chikiting Catch up immunization at iba pang regular immunization program.
