Go ikinatuwa ang pag-apruba ng senado sa panukalang batas na lilikha sa MDDA

Ikinatuwa ni Senator Christopher “Bong” Go ang pag-apruba ni senado sa panukalang batas na lilikha sa Metropolitan Davao Development Authority (MDDA).

Pinasalamatan ni Go ang kanyang mga kasamahan dahil sa suporta sa naturang bill na layong tugunan ang pangangailangan ng Davao City at kalapit na mga bayan tungo sa patuloy na pag-unlad.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Batay sa House Bill No. 8930 ang MDDA ang siyang mangangasiwa sa iba’t-ibang serbisyo na ibibigay sa publiko katulad ng development planning, transport management, solid waste disposal and management, urban zoning, land use planning, shelter services, health and sanitation, at public safety.

“Considering the rapid urbanization of Davao City and increasing population of nearby cities, the passage of this measure is timely and will be appreciated by the Davaoeños,” ayon kay Go.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Naniniwala din ang senador na magiging tulay ang MDDA para mapagbuklod ang publiko at pribadong sektor dahil isa sa mga mandato nito ay ang pakikipagtulungan sa mga pribadong organisasyon, at sa mga businesses na nag-ooperate sa Metropolitan Davao.