Inalok umano ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go si outgoing President Rodrigo Duterte na maging kanyang legal consultant sa oras na pormal na itong bumaba sa Malacañang.
Ayon kay Go, sadya raw talagang hinahanap-hanap ng katawan ni Duterte ang pagta-trabaho.
Kaya naman – legal consultant naman ngayon ang inialok ni Go kay Duterte matapos ang pormal na turn-over ng pagka-pangulo sa Hunyo a-trenta.
Agad naman daw itong tinanggap ng outgoing president ngunit kinakailangan pa itong i-formalize.
Sa kabila nito, hindi naman isinasara ni Go ang posibilidad na mayroon pang ibang mas mataas na government position na iaalok kay Duterte.
Sa huli, tiniyak ni Go na kahit isa na lamang ‘private citizen’ si Duterte, mananatili pa rin itong nagbabantay sa kapakanan ng mga Pilipino at maaari pa rin itong lapitan lalo na ng mga naaapi.
#