Binawian na ng buhay ang Pilipinong abugado na binaril sa Philadelphiea.
Kinumpirma ang pagpanaw ni Atty. John Albert Laylo, trenta’y singko anyos isang abugado mula sa Makati City.
Sakay ito ng isang Uber kasama ang kanyang ina papunta sa Chicago Illinios nang pagbabarilin ng ‘di pa nakikilalang mga suspek.
Ayon sa ina ng biktima na si Leah Laylo, nang isugod sa ospital ang biktima ay kritikal na agad ang kalagayan nito dahil sa noo ang tama ng bala sa kanya.
Dinala rin sa ospital si Leah matapos madaplisan ng bala.
Blangko pa ang ina ng biktima sa motibo ng pamamaril.
Nagtapos si laylo ng Political Science sa University of the Philippines at kumuha ng Law sa De La Salle university.
Nagsilbi ito noong official counsel ng isang team ni Vice President Leni Robredo at bahagi rin ng staff ni Senadora Leila de Lima.
#