Personal na sinaksihan ni Senador Christopher Bong Go ang ceremonial turnover ng financial assistance para sa Philippine General Hospital mula sa Office of the President na idinaan sa Socio-Civic Projects Fund.
Pinangunahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea at ilang opisyal ng Malakanyang ang naturang seremonya.
Ang financial assistance ay binubuo ng P98.4 million na hinati sa tatlong bahagi.
Una dito ay ang replenishable monthly fund na P25 million na nakalaan sa pagbili ng prescription medicines, medical supplies, diagnostic tests at iba pang hospital care services para sa mga indigent at mahihirap ba pasyente.
Nasa P53 million ng financial aid ang inilaan para sa procurement 2 units ng steam sterilizers, ethylene oxide sterilizers at vaporized hydrogen peroxide sterilizers habang ang P20.4 million budget ay sa pagbili ng anesthesia machine at iba pang gamit.
Sa talumpati ni Go sinabi nitong ito ay bilang pagtupad sa naunang pangako nila ni Pangulong Duterte sa PGH para makalik agad sa normal na operasyon matapos itong masunog noong May 16, 2021.
Una nang naghain si Go ng Senate Resolution No. 733 para kilalanin ang kabayanihan ng mga staff at medical personnel nang naturang ospital dahil sa maayos na evacuation at paliligtas sa mga sanggol sa Neonatal Intensive Care Unit ng naturang pasilidad.
