Nasawi ang isang taxi driver na kinilalang si Andrew Luzana matapos pagbabarilin sa harap ng isang hotel sa Barangay 183, Pasay City.
Ang pinag-ugatan ng barilan – alitan daw habang nakapila sa drive-thru ng isang fastfood chain.
Nagkaroon ng komprontasyon at suntukan sa pagitan ng biktima at ng isang pribadong motorista. Bagamat naawat ang away, hinabol pa rin ni Luzana ang kanyang nakaalitan sa kalsada.
Sa huli, tinangka niyang sugurin ang motorista na may dala siyang kutsilyo, ngunit binaril siya nito sa labas ng hotel.
Tinutukoy na ng Pasay City police ang pagkakakilanlan ng suspek at kasalukuyan silang nagsasagawa ng follow-up operations upang ito’y madakip.