Ginang, nagnakaw ng mga juice sa mall, arestado!

Huli ang isang babae nang magnakaw ito ng mga powdered Juice sa mall sa Barangay San Manuel, Puerto Princesa City ngayong Biyernes, June 21.

Nahuli umano ito ng tricycle driver malapit sa mall matapos na makitang inilalagay nito sa sako ang ninakaw na item sa labas ng tindahan.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Isinumbong raw ito ng nakakitang driver (babae) sa management ng mall bago ito na-hold ng guard.

Read More:  41 women, including 10 minors, rescued in Cebu human trafficking operations

Tinatayang mahigit P8, 000 ang halaga ng mga ninakaw na inumin.

Samantala, dinala sa barangay ang babae para imbestigahan.