Ginagawang seawall project mariing tinututulan sa bayan ng Narra, Palawan

Mariing tinututulan ng ilang mga residente ang  ginagawang seawall project  sa Sitio Pinag-isa Brgy. Calatigas , Narra , Palawan.

Ayon kay Fredie Capispisan ,  isang mangangisda na kabilang sa tumututol sa proyekto , nagulat lamang sila na may ganitong proyekto na hindi man lang naipaliwang sa kanila.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Dahil sa proyekto nasira ang bakaw dahil sa inilagay na cces road .

Pinangangambahan din nila na magdulot ito ng masamnag epekto sa kalikasan at sa hinaharap.

Ilan pa sa mga ipinaliwanag nito kung bakit hindi sila sang-ayon sa ginagawang seawall sa kanilang lugar.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Samantala, may ilan namang residente ang pabor sa ginagawang seawall sa Bgy. Calategas, Narra , Palawan

Ayon kay Hilda Rodriquez, sinabi nito na malaking tulong ang proyekto sakaling matapos na ito.

Hindi rin ito naniniwala na may mga mangrove na nasagasaan kung saan itinatayo ang proyekto.