Posible nang ilabas sa katapusan ng 2023 o sa 2024 ang bakuna laban sa African swine fever (ASF) na binubuo ngayon ng local research company na kinuha ng Department of Science and Technology (DOST).
Ayon kay DOST Undersecretary Rowena Guevara, na ang bakuna para sa viral disease na nakakaapekto sa mga baboy at wild boars ay kadalasa’y inaabot ng dalawang taon bago matapos.
Pero ang veterinary research at diagnostic laboratory BioAssets Corporation ang unang bubuo ng ASF test kits na posibleng ilabas sa katapusan ng taong ito, o sa unang bahagi ng 2023.

Nabatid na may patakaran ang Department of Agriculture na kapag may isang na-detect lang na baboy na may ASF sa loob ng isang kilometro, ang lahat ng baboy doon ay papatayin, habang hiwalay naman ang panuntunan para sa pitong kilometro.
Pero sa oras na magkakaron ng detection kit, hindi na kailangan patayin ang lahat ng baboy, dahil maari na umano i-detect kung sinong baboy lang ang may sakit at kailangang i-dispatsa. //MHEL PACIA