Naniniwala si Health Secretary Francisco Duque III na hindi lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrobersiyal na vape bill, sa harap na patuloy na pagtutol ng mga health authorities continue laban dito.
Ayon kay Duque, nababahala sila sa naturang panukala, kaya layunin talaga umano nila, na hindi ito maging ganap na batas.
Kaugnay nito, sinupla ng kalihim ang claims na ang vapes at e-cigarettes ay magandang paraan para matapos na ang addiction ng isang tao sa sigarilyo.

Paliwanag ng DOH chief, kadalasan ito ay nagsisilbing bilang opposite purpose, dahil mas ipinakikilala ito sa tao na mas nakakaadik gaya ng alcohol at paggamit ng marijuana.
Mababatid na mariing iminungkahi ng DOH, Food and Drug Administration, at iba pang medical groups na iveto ni Duterte ang panukala, dahil malalagay sa masamang apekto ng vape ang mga kabataan. //MHEL PACIA