Anak ng King of Rock & Roll Elvis Presley na si Lisa Marie, pumanawa na dahil sa cardiac arrest

Pumanaw na ang kaisa-isang anak ni King of Rock & Roll Elvis Presley na si Lisa Marie.

Ito ang kinumpirma ng kanyang ina na si Priscilla Presley.

“It is with a heavy heart that I must share the devastating news that my beautiful daughter Lisa Marie has left us,” ayon kay Priscilla.

Isinugod sa ospital sa Los Angeles si Presley dahil sa cardiac arrest.

Huling nakita si Lisa Marie nang dumalo ito sa Golden Globe Awards noong Enero 10.

Siya ang unang asawa ng King of Pop na si Michael Jackson.//CA