Gilas Pilipinas Girls wagi sa ginanap na FIBA U16 Women’s Asian Championship

Wagi ang pambato ng Pilipinas na Gilas Girls sa FIBA U16 Women’s Asian Championship Division B sa puntos na 83-60 kontra Iran

Kumpletong nagawa ng mga Pinay dribblers ang 5-0 sweep sa Division A at makasama ang mga Asian teams na Australia, Japan, New Zealand, Chinese Taipei, Korea, China at Samoa.

Nag-ambag si Ariel De La O ng 10 markers at 10 boards para sa mga Pinay cagers na nagtayo ng 23-point lead, 74-51, sa 5:17 minuto ng fourth period.

Patuloy nang nakawala ang Gilas Girls sa third canto kung saan nila ipinoste ang 27-point advantage, 53-26, mula sa isang three-point shot ni Sophia Candido sa pitong minuto nito.

Magsisimula ang mga Division A tournaments sa 2025. ### Rizadel Lopez Intern