Gilas, magkakaroon ng tune-up laban sa Changwon LG Shakers

Magkakaroon ng tune-up game ang Gilas Pilipinas laban sa Changwon LG Sakers sa ika-22 ng Setyembre habang naghahanda sila para sa Asian Games sa Hangzhou.

Read More:  69 Filipino para athletes gear up for Asian Para Games

Inimbitahan ni Interim Gilas coach Tim Cone ang mga local fans na manood ng laro nang libre sa Philsports Arena.

Isa ito sa dalawang scrimmage na kailangan nilang pagdaanan bago sila lumipad patungong Hangzhou para sa kanilang unang laro laban sa Bahrain sa Setyembre 26.

Read More:  Ernie Gawilan bags Philippines’ first gold at 2026 Asian Para Games

Sinabi rin ni Cone na nakatakda rin ang Gilas na makipaglaban sa isang PBA squad s aisang closed-door tune-up, na sa tingin niya ay Meralco ang kanilang makakalaban.