Bigo ang Gilas Pilipinas sa unang laro nito sa 2023 FIBA World Cup laban sa Dominican Republic, na may final score na 87-81.
Naging matindi ang laban ng dalawang koponan sa unang tatlong quarters ng laro, dahil halos magkakalapit ang score nito.

Tatlong puntos lang ang lamang ng DR sa Pilipinas na may tatlong minuto pang natitira bago maalis sa laro si Jordan Clarkson matapos ang dalawang magkakasunod na fouls.
Ayon kay Head Coach Chot Reyes, naapektuhan sila sa disqualification ni Jordan, na humantong sa pagkatalo ng national team.
Sa ngayon, umaasa naman ang Gilas sa susunod nitong laro laban sa Angola sa linggo.