VP Duterte, tinanggap ang hamon ni Rep. Castro

Inihayag ni Vice President Sara Duterte na handa siyang harapin ang pagpaplano ni ACT Teachers partylist representative France Castro na patalksikin siya sa pwesto.

Ayon kasi kay Duterte, hindi “deserving” na bigyan si Castro ng eksplenasyon kaugnay sa kontrobersyal na confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Inilarawan niya si Castro bilang guro na hindi handang pumasok sa isang klase, kaya’t sana makahapan siya ng kasiyahan at malaking kagalakan sa pag-iisip na pagsisibak sa kanya sa pwesto.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Sa huli, sinabi ng bise presidente na purong alegasyon lamang ang paratang sakanya ng kongresista, na kanilang klaruhin at sasagutin sa budget hearing ng kanyang opisina sa Kamara.