Giant scarecrow ng San Agustin, Isabela para sa Bambanti Festival 2024, tinupok ng apoy

Tinupok ng apoy ang giant scarecrow ng San Agustin, Isabela habang inaayos ito sa Capitol Ground, Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela para sa pagdiriwang ng Bambanti Festival 2024.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, dakong alas-5 ng hapon ay naihiwalay ang kamay ng scarecrow kaya napagdesisyunan ng staff na i-welding ito upang maibalik sa dati.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Subalit, habang kasalukuyang nagwe-welding ay tumatama ang ilang mga spark nito sa bahagi ng scarecrow.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Dahil gawa ito sa light materials ay hindi na napigilan pa ang mabilis na pagliyab ng apoy.

Wala namang naitalang nadamay o nasugatan sa nangyaring sunog.

Samantala, ibinalik muna sa San Agustin ang naturang scarecrow para doon kumpunihin.