Bomba, nahukay sa Echague, Isabela

Nahukay ang isang General Purpose Bomb 100 Libra (pounds) kamakailan sa Purok 5 Brgy Garit Norte, Echague, Isabela.

Mabilis naman itong inaksyunan ng mga awtoridad mula sa ng Provincial Explosive Ordinance Disposal at K9 Unit Isabela (PECU Isabela) upang maiwasan ang pagsabog nito.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Sa nakuhang detalye ng Brigada News Team, ang naturang bomba ay pansamantalang nasa pangangalaga ng PECU – Isabela Office.

Sa kasalukuyan ay hinihintay pa kung kailan idi-dispose ang vintage bomb sa Crow Valley, Capaz, Tarlac.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Kaugnay nito, nagpaalala naman ang PECU Isabela sa publiko na maging maingat at mapanuri sa mga kahina- hinalang bagay.

Huwag din anila itong hahawakan o susubukang buksan. Kung may makitang kahina-hinala ay agad itong i-sangguni sa kanilang opisina.