Damang-dama na ang diwa ng Pasko sa San Jose Del Monte, Bulacan nang pinailawan na ang kanilang higanteng Christmas tree.
Bilang bahagi ng programa, nagtanghal ang tanglawan singing ambassadors ng lungsod.
Simbolo ng pagkakaisa ng mga taga-San Jose Del Monte ang Christmas tree na itinayo sa harap ng kanilang munisipyo at katabi sa makasaysakyan nilang simbahan.
Pinuno rin ang paligid ng munting plaza ng mga palamuti, tulad na lamang ng giant Christmas ball, Christmas wreath at mga reindeer.
Asahan na ang sunud-sunod na pailaw ng mga Christmas tree sa iba’t ibang lokal na pamahalaan dahil simula na ang araw ng Disyembre.
