US FDA, binigyan na nang pahintulot na ibenta ang abortion pills sa mga retail pharmacies

Binigyan na nang pahintulot ng US FDA ang pagbebenta ng abortion pills sa mga retails pharmacies sa Estados Unidos habang maraming estado ang nanghahangad na ipagbawal ang medication abortion.

Ayon sa FDA, maaaring mag apply ng certification ang mga pharmacies para sa distribution ng abortion pill sa isa sa dalawang kumpanyang gumagawa nito at kung magiging matagumpay ay maibibigay nila ito nang direkta sa mga pasyente kapag nakatanggap ng reseta mula sa isang certified prescriber.

Una nang sinabi ng FDA na ire-relax nito ang risk evaluation at mitigation strategies, o REMS sa tableta mula noong inaprubahan ito ng ahensya noong 2000 at pansamantalang inalis ng pamahalaan sa 2021 dahil sa pandemya.

Ang Danco Laboratories at GenBioPro, ang dalawang kumpanyang gumagawa ng gamot sa United States ay nagsumite ng mga karagdagang aplikasyon na naaprubahan na ngayon ng FDA.//CA