Itinanggi ng aktor na si Gerald Anderson na kasal na sila ng girlfriend na si Julia Barretto.
Sa panayam, sinabi ni Gerald na hinding-hindi umano niya ililihim kung magpapakasal man siya kay Julia.

Gayunman, sinabi ni Gerald na si Julia ang gusto niyang makasama sa buhay.
Pero bago raw ito, gusto muna niyang masigurado ang future ng kanyang magiging pamilya.//CA