GDP ng bansa lumago sa 8.3% sa 1st quarter ng 2022

Patuloy ang pagsigla ng ekonomiya ng bansa sa unang tatlong buwan ng taon kasunod ng mga pagluluwag sa COVID-19 restrictions.

Sa inilabas na report ng Philippine Statistics Authority, lumago ng 8.3 porsiyento gross domestic product (GDP) ng Pilipinas para sa unang quarter ng 2022.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Ito ay sa kabila ng paglitaw ng omicron variant noong Enero na humantong sa paghihigpit ng mga restrictions na pinaluwag din pagsapit ng Pebrero.

Noong 2021, lumago ang ekonomiya ng 5.6 porsyento, bagama’t bahagyang lumampas sa mga target mas mababa pa rin ito sa antas ng paglago bago ang pandemya.

Read More:  MNLF denies protecting Senator Bato dela Rosa

Una nang sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na ang ekonomiya ay maaaring bumalik sa pre-pandemic growth nito ngayong taon dahil sa pagluluwag ng mga restrictions.