Gawa-gawa lang ni Quiboloy ang umano’y banta sa kanyang buhay – Makabayan bloc

“Huwag kang feelingero”.

Ito ang reaksyon ni House Deputy Minority Leader France Castro matapos ihayag ni Apollo Quiboloy na hinahabol at pinag-aagawan umano siya ng mga babae dahil sa pagiging mayaman.

Sa pulong balitaan sa Kamara, sinabi ni Castro na hinahabol siya ng mga kababaihan dahil sa iba’t ibang pananagutan tulad ng human trafficking scheme at kaso ng panggagahasa.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Binanggit ng kongresista na ang founder ng Kingdom of Jesus Christ ay “most wanted” ng Federal Bureau of Investigation o FBI.

Nanawagan din si Castro kay Quiboloy na humarap sa pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises sa March 12 upang sagutin ang isyu sa ownership ng Swara Sug Media Corporation na nagpapatakbo ng TV station na Sonshine Media Network International.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Kumbinsido naman si Gabriela Representative Arlene Brosas na gawa-gawa lang ng pastor ang sinasabing banta sa kanyang buhay at nagsasabwatan ang gobyerno ng Pilipinas at Estados Unidos.

Palusot umano ito dahil bukod sa pinaghahanap na siya ng Department of Justice ng Amerika ay ipinatatawag pa siya sa dalawang kapulungan ng Kongreso para humarap sa pagdinig.