Patay ang isang lalaki matapos aksidenteng mabaril nito ang kanyang sarili habang nag-iinuman sa Barangay Parian, Laguna.
Ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay kinuha ang kanyang baril mula sa bag na nahulog sa sahig at uupo sana sa monobloc nang biglang pumutok at tumama sa kanyang singit na sanhi ng kanyang pagkamatay.
Sinugod pa sa ospital ang biktima ngunit diniklara na itong dead-on-arrival.
Sa ngayon, nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya sa nangyaring insidente.