Gale warning sa karagatang sakop ng Camarines Norte lifted na- PCG

CAMARINES NORTE- Lifted na ang nakabanderng  gale warning ng Pagasa sa mga karagatang sakop ng Camarines Norte matapos ang halos isang linggo.

Batay sa panibagong Sea Travel Advisory na ipinalabas ng Philippine Coast Guard ngayong umaga, inalis na ng Pagasa ang gale warning dahil sa pag improve ng sea weather condition sa area of responsibility ng Camarines Norte.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Gayunman, pinapayuhan ang lahat ng mga sasakyang pandagat na gawin pa rin ang extra precautionary measures dahil sa kasalukuyang weather condition.

Kapag ganito kasing panahon ng amihan ay asahan na madalas na malakas at mataas ang alon ng karagatan.

Asahang iiral ang amihan hanggang sa susunod na buwan.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Dahil lifted na ang gale warning ay makakapaghanapbuhay na uli ang mga mangingisda na ilang araw na natengga sa pagpalaot.

Pinagbawalan kasing maglayag lalo na ang mga bangkang 250 G.T. pababa noong mga nagdaang araw dahil sa hindi magangang kundisyon ng karagatan.