4k contractual jobs sa DSWD – aprubado ng DBM

Aprubado na ng Department of Budget and Managment (DSWD) ang paglikha sa nasa 4,000 mga contractual positions sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang mga posiyon na ito ay para sa iba’t ibang field offices ng DSWD na layuning matiyak ang epektibo pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman – batid nila ang kahalagahan ng pagsuporta sa 4Ps para sa ‘inclusive development’ pag-’empower’ sa mga pamilya; at pagputol sa cycle ng kahirapan sa bansa.

Maliban dito, makatutulong din umano ‘yan para sa paglikha ng mga trabaho, na kalaunan ay makaa-ambag sa pag-stabilize ng ating ekonomiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *