Aabot na sa 64, 794 ang fully vaccinated individuals ng Covid-19 vaccine sa Angeles City.
Habang nasa 109, 875 na rin sa lungsod ang naka tanggap na ng 1st dose ng nasabing bakuna.
Sa ngayon ayon kay City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., mas napabilis ang pagbabakuna sa lungsod simula nang ilunsad ang programang Ronda Bakuna at Sundo Bakuna sa Barangay kung saan pinupuntahan ang mga residente sa kanilang mismong tahanan para bakunahan.
Sa katunayan umabot umano sa 12 thousand na Angelenos ang nabakunahan ng City Government sa loob lamang ng dalawang araw dahil sa mga nasabing programa.
Sa kasalukuyan, mula sa 462,928 na populasyon ng lungsod, 23.73% na ang naturukan ng unang dose ng Covid-19 vaccine habang 14 percent ang nabigyan ng 2nd dose.
