Fully vaccinated individuals sa Region 2, mahigit 2.2 milyon na

Umabot na sa 73.89% o katumbas ng 2,203,333 na indibidwal sa n80% target 2022 population sa Lambak ng Cagayan ang Fully vaccinated na kontra Covid-19.

Ito ay base sa inilabas na datos ng DOH – Cagayan Valley- Center for Health Development as of February 20,2022.

Batay pa sa naturang datos, 74.74% o katumbas ng 2,228,727 indibidwal naman sa rehiyon ang nakatanggap na ng first dose ng vaccine.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Mula sa mahigit 5.8 milyon doses ng vaccine ay kabuoang 4, 432,060 dito ang na-administer na ng 303 vaccination site sa rehiyon.

Nasa 8,984 naman ang average daily administered doses sa nakalipas na pitong araw.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Pinakamarami pa rin ang consumption rate ng Isabela kung saan umabot ito ng 80.01% o 252,330 doses habang pumangalawa naman ang probinsya ng Cagayan na mayroong 78.11% o 182,810 doses consumption rate.

Samantala, sa mga fully vaccinated naman ay pinakamarami pa rin sa grupo ng Rest of Adult Population na mayroong 129.02% o katumbas ng 439,064 fully vaccinated individuals.