Full vaccination sa 50% ng NCR residents, target hanggang sa katapusan ng Aug

Target ng mga alkalde sa Metro Manila na makompleto ang pagbabakuna sa kahit 50 percent ng mga residente sa capital region, hanggang sa katapusan ng Agusto.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na siya ring chairman ng Metro Manila Council (MMC), na ang kasalukuyang target naman ay mabigyan ang 70 percent ng mga residente ng Metro Manila ng first dose ng COVID-19 vaccine.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Pagbabahagi ni Olivarez, nais ng mga alkalde na makapagturok ng 250,000 COVID-19 vaccine doses bawat araw, habang umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ).

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Giit ng MMC chairman, posible ang naturang plano basta’t may sapat lang na suplay ng bakuna.

Mababatid na mula August 11, nasa 12,027,383 individuals na sa buong bansa ang fully vaccinated laban sa COVID-19. //MHEL PACIA-TRINIDAD